Sunday, December 18, 2011

Dixy


Hi! Magandang Hapon. So kahapon, nagpunta si Dr. Tan dito sa bahay para tignan si Dixy, kasi nag aalala na kaming lahat kung bakit ganun nararamdaman niya. Hinihingal siya kahit hindi naman tumakbo o naglakad sa labas, naghuhukay siya sa banyo na parang naiinitan, may nilalabas siyang gatas sa kanyang dede, at may nilalabas din siya na parang sipon kapag mag wiwiwi siya, at medyo namamaga din yung tiyan niya. So ang sabi naman ni Dr. Tan, meron daw siyang Pyometra. Naiisip at nararamdaman ni Dixy na parang manganganak daw siya, pero sa totoo lang never nabuntis si Dixy dahil natabunan lahat ng taba niya at hindi nabuo sa loob ng tiyan niya so sayang haha. So sa pag alala namin, yun lang pala nararamdaman ni niya, na parang manganganak daw siya. Pero kung hindi maagapan, at hindi tumabla ang gamot baka operahan siya :( kasi nag ccontract daw uterus niya at lumalaki ata. So kailangan maagapan yun. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba to, dahil paminsan nilalakad ko si Dixy sa labas para ma exercise yung katawan. Alam ko maganda sa aso ang maglakad, pero ewan ko din bakit yung bigla niyang naramdaman. Sana naman hindi lumala. 

So eto si Dixy :)






Wednesday, December 14, 2011

Tatay Rody


Eto na yata ang pinakamalungkot na pasko. Hindi inaasahan lahat ng pangyayari kanina. At sana nakasama ako sa ospital para may kasama at mayakap si nanay, pero ayun. Nakausap ko nalang din ang kapatid ko na yun na nga, hindi na umabot.


Na-alala ko ang huling beses na pinangiti ko siya ay noong martes. Inalok ko siya ng Chicharap galing sa Chowking, tapos ayun ngumiti lang siya na parang ibig sabihin sige kain lang. Nakakatuwa lang din.


Isa sa pinakamasayang pangyayari din ay yung nakapunta si tatay sa animation festival namin, at napanuod niya ang thesis ko.


Mamimiss kita tatay, ingat kayo diyaan!


Drawing ko para sa'yo.



Monday, December 12, 2011


So, nag drawing ulit ako. Practice lang habang nakikinig sa jazz radio na walang katapusan. Pero, sa totoo lang nakakatulong din talaga yung music. Dire-diretso lang akong gumawa hanggang sa nabore nako kopyahin ng 3-4 na beses yung mismong gesture. 3-4 na beses kasi para makita mo kung ano mga mali mo, at kung ano ba nakukuha mong style sa pag uulit nung drawing. 


Wala akong scanner eh, sira. So, tiis muna sa pag picture. :)







Bigla akong nabore, kaya napapaisip ako ng iba't ibang pose at drinowing ko nalang agad. Masaya siya! Natuwa talaga ako.



Sana palaging nasa mood mag drawing para mahasa pa ang kakayahan. Yey. :)
Goodnight!

Sunday, December 11, 2011

Gesture Drawing!



Yes, eto ang mga pinagkakaabalahan ko sa ngayon. Gusto ko pang matuto mag drawing ng mga gesture/katawan. Mga simpleng hagod, linya, emosyon at bigat ng bawat tao. Gustong gusto ko din ang katawan ng isang babae, masarap idrawing dahil makikita mo na agad ang korte ng katawan. 

Paminsan lang din, kapag gusto ko nang mag drawing hindi talaga sumusunod ang kamay ko. So ang ginagawa ko nalang din magpahinga hangga't makuha ko na yung 'mood' para makapagdrawing ng maayos. :)
























Practice lang ng practice! Kaya 'to! :)

Hello!


So ito ang aking blogspot! dito ako mag papaskil ng mga drawing, nararamdaman, kaganapan, at kung ano pa mang pwede! Sana kayo ay mag enjoy! tingin lang :)


Konting pasilip mula sa aking mini sketch pad!





Muji mini sketch pad 55php lang. Ang harap at likod ng aking sketch pad. naisipan kong lagyan ng design para hindi boring.



 Donut para sa aking agahan.


Ako, bilang nagpapakalma noong huling yugto na ng thesis. Inner peace, mula sa pelikulang Kung Fu panda 2.



Ang aming lalagyan ng ulam.

Ako'y maglalagay pa ng madaming drawing hangga't maari, araw-araw. Para makita ko kung gaano ba ako nag iimprove sa pag ddrawing. So, goodluck sa akin! Kaya 'to! :D