Monday, January 2, 2012

Lolo at Lola



Ang ganda ng video na 'to, at medyo nag sisisi ako bakit ngayon ko lang nakita 'to. Bakit hindi ko pa siya nakita noong nag tthesis ko, malaking tulong din sana talaga hehe. Sobrang nakakainspire lang naman siya dahil unang una sa lahat, lolo at lola nanaman ang subject. Natutuwa lang din talaga ako kapag nakakakita ng mga lolo at lola, sobrang laki lang din ng respeto ko sa kanila. At hangang hanga ako sa kanila kasi kahit matanda na sila, malakas pa din sila at sobrang ganda lang nila manamit, kahit ano man ang suotin bagay padin sa kanila.

Naisip ko nga, sana naranasan ko yung panahon nila nanay at tatay. Simple lang pero may class. Maganda at maayos pa mag damit ang mga tao, maganda ang musika, malinis at malawak pa ang mga kalsada, magaganda ang kotse, nagsusulatan pa ang mga tao dahil hindi pa uso ang telepono noon, mura ang bilihin, at madami pang iba.

At naisip ko, bago huli ang lahat. Huwag niyo sayangin ang oras na makasama niyo ang mga mahal niyo sa buhay. Dapat na matuto tayong magpasalamat at mag appreciate sa mga simple bagay na nagpapasaya sa ating buhay! Sobrang mahalaga lang din talaga ng bawat oras. 

Heto, para sa'yo. Pandagdag sa 'yong inspirasyon at kaligayahan. :D

No comments:

Post a Comment